Dear jejemon neighbor,
Today marks the 4th day of your jeje-music marathon. Please pahinayi imong music kay maski 3 doors away ta, madunggan sa tibuok DBP compound imong pagkajejemon. Sakit kaayo sa dalunggan ug it makes the sucky weather even worse. Please try to tone it down. Thank you.
Sincerely,
Your sleepless single mom neighbor
Sumasakit dibdib ko sa tuwing naaalala ko yung mga sinasabi ng mga tao na sayang daw ang pinag-aralan ko dahil ayokong magnurse.
I spent the past six years of my life trying to belong in a world that did not want anything to do with me at all. Alam mo yung pinipilit mo namang maging perfect para sa sarili mo at sa kanilang lahat pero alam mong mali pa rin. Off pa rin. Hindi ka nila gusto. Hindi mo rin naman gusto ginagawa mo. Oo, magaling ka nga, pero hindi ka naman masaya.
Feeling ko nga kaya nagkagulo-gulo buhay ko dahil pinilit nila ako eh. Antapang ko, ang maldita ko, pero yung gusto ko hindi ko man lang nagawang ipaglaban.
If I had to do it all again, I wouldn’t have chosen to be a nurse. I have always wanted to be surrounded by literature, film and style - kahit business gusto kong subukin. Pero syempre dise-sais lang ako noon. Walang plano sa buhay. In love. Wala lang. Ayun, dun ako napunta.
Right after graduation, kinonsulta ko kay Inay yung mga plano ko sa buhay. Sinagot niya saken? “Huwag kang magdecide. Si Ate mo dapat ang magdesisyon para sa’yo.”
Pero kahit minsan, di ako kinontrol ng ate ko. Lagi niya akong tinatanong kung ano gusto ko. Pero dahil mahal ko pamilya ko, sinunod ko gusto nila.
Wala akong sinisisi. Pero hindi ko maiwasang mag-isip kung ano na kaya ang nangyari kung pinaglaban ko gusto ko.
Tingnan nyo na lang kung anong nangyari saken ngayon.
Huwag nyo akong husgahan, masaya ako, oo. Pero andaming tumatakbo sa isip ko ngayon.
———————
Ayun. Nabibwisit ako sa tuwing nakikita ko yung mga kasabayan ko. Masaya sa mga trabaho nila. Ako, bitter. Report spam.
Masaya ako para sa kanila. Pero nakakabwisit lang.
——————
Pampalubag loob na lang yung labinlimang araw nilang kinikita, dalawang puyatan ko lang.
Hindi ko maiwasang manghinayang at mainggit sa mga kaibigan/kakilala kong nagtatrabaho na bilang nars. Oo nga, I passed all the necessary tests just to become a nurse pero how can I love something that has not even tried to love me back? I don’t see myself being a nurse at all. Hindi ako bagay. Hindi ako marunong mag-empathize. Hindi ako therapeutic. Madalas, hirap din akong makipagplastikan. At ayokong makapatay ng tao dahil sa katangahan ko. Matalino din naman ako pero…
Pero nakakainggit sila. At least may pinatunguhan yung pinag-aralan nila.
Ako, nagkukumahog maging negosyante at manunulat. Okay lang.
Trust vs Mistrust
Autonomy vs Shame and Doubt
Initiative vs Guilt
Industry vs Inferiority
Identity vs Role Confusion
Intimacy vs Isolation
Generativity vs Stagnation
Integrity vs Despair
—————————————
Lahat yan. Lahat yan.
And I’m running out of cash. That’s the price of getting sick and missing work for the past two weeks. Now that I’m back in shape, I’ve been working nonstop and guess what: work has been too slow lately. Ugh.
I don’t know if I’m pushing through my Davao-Manila trip next month.
Money. All I think of is money.
Magtatatlong buwan na akong rumaraket pero wala pa akong nabibili para sa sarili ko.
Sahod ko kada linggo, ubos agad. Pang-kain, pang-inom, pambili ng gamot, pautang sa kapamilyang nangangailangan.
Ni Philhealth at SSS ko, kailangan ko pang iasa sa nanay ko.
Nakakahiya ako.
Punyeta, nasestress ako. Makainom nga ng vitamins.






